UNITED ORGS OF STELA: PRIME MOVERS SOCIETY

#SocialWorkROCKS

Respect, Opportunity, Choices, Knowledge and Strength

By Lester V. Agliam


Ganito kasi ‘yon. In social work we don’t say, “Ito talaga ang dapat mong gawin.” Instead, “Sa iyong palagay, ano ang dapat nating gawin?”

Inaakala kung minsan ng mga ibang kurso na hanggang pagtitinda o iba’t-ibng manual na trabaho ang mga gawain ng mga estudyante ng Social Work.

Misconception lamang ito, mga ading. May kasabihang “Social workers are the prime movers of social change”. Sila ang pasimuno o tagaguyod ng pagbabago sa lipunan at pag-uunlad, pagkakaisa at hustisya sa lipunan, pagrerespeto ng karapatan ng tao, pagiging tapat sa batas, pagtatanggap ng responsibildad, at respeto para sa mga grupong etniko. Makikita dito na ang mga Prime Mover ay mayroong malakas na impluwensya sa lipunan, kaya tinawag na co-curricular organization ng Department of Social Work ng SLU ang Prime Movers’ Society. At kung ako sa’yo, magmahal ka ng social work student/social worker dahil hinding-hindi ka mawawalan ng halaga sa kanila at hinding-hindi ka nila babaliwalain at naniniwala kami sa dignidad at halaga ng bawat isang tao.

Mayroong apat na formal methods sa social work: ang Casework, Social Group Work, at Community Organization. Ang casework ay indibidwal ngunit holistic na paraan ng pagututlong sa ating mga cliente. Sino sila? Sila ang mga nagiging dysfunctional dahil sa kakulangan ng pangangailan at edukasyon, pisikal at mental na sakit, pagkawala ng pakikiugnayan, at kaguluhan sa sarili at sa kultura. Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), “Casework management refers to a set of procedures designated to uplift a client to a level of self-sufficiency and self-reliance”. Paano sila natutulungan? Ito ay laging nakasalaysay sa pangangailangan ng cliente at sa pagpapayag niyang matulungan.

Ang social group work naman ay maituturing ding teamwork. Ayon kay Gitterman (2006), isang guro ng social work at iskolar ng group work, mahalaga ang pagtutulong ng isa bawat isang miyembro ng Social Group Work. Ayon sa kanya, “As members become involved with one another, they develop helping relationships and take interest in each other and participate in the group activities”. Dito, ang main goal ay: ipadama sa mga client na hindi sila nag-iisa sa kanilang mga pagsubok; maibsan ang pag-iisa at stigma; magbigay at tumanggap ng tulong sa iba; at, matuto sa mga karanasan, pagsubok at pananaw ng bawat ksapi sa grupo. Ang paraang ito ay ginagamit sa bawat miyembro ng grupo para mapag-igi ang interaksyon at komunikasyon ng bawat isa. At sa pamamagitan din na ito, ihinuhusay ang sense of leadership at confidence ng bawat miyembro. Kung kaya’t ayon sa National Association of Social Workers (NASW), ginagamit din ang grupo for “corrective purposes, prevention, normal social growth, personal enhancement of the person”, at para sa edukasyon at sibikong pakikilahok.

Ang huling metodo ay ang Comminty Organization. Ito ay madalas na ginagamit sa mga hindi mayaman na bansa, kagaya ng Pilipinas. Ito ay ginagamit upang maabot ang mga liblib at rural na lugar sa bansa. May dalawang klase ng community, ang geographical community at functional. Ang geographical ay ang kumunidad kung saan ang mga miyembro ay nakatira sa pareho o iisang lugar, samantalang ang functional ay ang pagkakaroon ng common interest ng mga kasapi. Ano nga ba ang trabaho kapag sa community organization? Ginagamit ang paraang ito upang makapokus sa “people empowerment”, kung saan ang social worker ay magsisilbing facilitator at tumutulong sa pag-alam at pagresulba ng pangangailangan at problema ng komunidad. Ang karaniwang cliente ay ang mga magsasaka, kababaihan, council ng barangay.

Ang social work ay isang propesyon na kung saan dapat maging selfless, dedicated at sincere upang maging karapatdapat. Always remember, social workers are the prime movers of ROCKS: Respect, Opportunity, Choices, Knowledge and Strength.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s